Letters to My Daughter by Esther

Esther showed this to me yesterday–something she wrote for Mother’s Day.  She’s 13 years old and I am in awe how she came up with thoughts like these.  To all mothers, thank you for all the sacrifices you made for us.

**********

Dear Mommy, I HATE YOU!

————————————————————–

When I was 10 years old, namatay si Papa. He’s the only one who understood me.  Siya lang ang nagpaparadam sa’kin na may nagmamahal sa’kin, na importante ako.  Mahal na mahal ko si Papa.  Mahal na mahal na minsan, iniisip ko na ako na lang.  Ako na lang sana ang namatay.  Sobra-sobra ang naramadaman kong lungkot.  Alam kong dahil kay Mama kaya namatay siya. It’s because of that stupid company deal she had to settle in China kaya sinamahan siya ni Papa.  Sobrang mahal siya ni Papa.  Unfortunately, the plane crashed because of engine problems.  Si Mama lang ang nagsurvive.  My Dad protected her from dying and risked his own life for my Mom.  Di ko mapapatawad si Mama dahil siya ang may kasalan na namatay si Papa.

After that, we lost our company, na-bankrupt.  I didn’t care. All I think about is my Dad and the thought that it was my mom’s fault that he died.  Ngayon? Dalawa na lang kami ni Mama sa bahay.  And oh, she’s freaking mute–also because of the accident. I never understood anything she wanted to tell me.  I didn’t want to understand it either.

“Ugh! I hate my life! I don’t deserve this!” I said as I was lying down on my bed.

It’s past 11 pm when I got home from school.  But who cares? Lagi namang wala si Mama sa bahay nasa “trabaho” niya.

I was asleep when I heard someone knocking on my door.  Alam ko namang si Mama lang yun.  Tss.  Di ko na lang pinansin. Pero, tinigil na niyang katukin at pumasok sa kwarto ko.  Siguro napagod na kakakatok. Ginising niya ko.

“Oh? Anung kailangan mo?!” sigaw ko sakanya.

She just smiled at me then nagsign language siya sa’kin kahit alam niya sa sarili niyang di ko naiintindihan. Wala akong balak intindihin siya. Nagtaklob na lang ulit ako ng kumot at antok na antok ako. Naramadaman ko namang hinalikan niya ako sa noo.

Di ba niya alam na may pasok pa ko kinabukasan at bubulabugin niya ang tulog ko ngayon? Nakaka-asar na siya!

Kada umaga, nadadatnan ko siyang nasa lamesa’t nagkakape at laging may sinusulat ata dun sa notebook niya. Nagsi-sign siya sa’kin na umupo ako sa harapan niya at kumain. Tiningnan ko ang almusal. Instant noodles at tinapay. Halos araw-araw ito pagkain namin ah?!

“Wala na ba tayong ibang pagakin?” tanong ko sakanya.

Nagsign language lang siya sa’kin. Inirapan ko na lang siya.

“Never mind. Sa school na lang ako kakain.”

Iniwan ko na si Mama dun. Wala na nga akong matinong Mama, wala pa ring matinong pagkain? Nakakbanas!

*School*

I keep seeing my classmates very busy using their expensive gadgets. Cellphones, laptops, ipads, ipods and PSPs.  Samantalang ako, pipitsuging 3315 lang ang meron ako.  Wala pa tong camera.  Nasa magandang school ako.  Mayayaman sila, ako mahirap lang.  Kung pwede lang, magpa-ampon na ko sakanila.

That night, I tried talking to my mom and asked her to buy me those.  Siguro naman may pera na yun.  Abutin ba naman siya ng madaling araw sa trabaho e.

“Mama, pwede mo ba kong bilihan ng laptop?  Kailangan kasi namin sa mga projects namin e. Ang hirap pag nagrent pa ko sa labas,”  tanong ko sakanya habang busy siyang nagsusulat sa notebook.

Pumunit siya ng papel na sinulatan niya at pinabasa sa’kin.

‘Sorry anak, wala pang pera si Mommy e.’

“Eh inaabot kayo ng hating gabi sa trabaho tas sasabihin mo saking wala kang pera?!  Sinong niloloko mo, Ma?! Nanlalaki ka lang siguro! Kaya ginusto mo rin na namatay si Papa! Walang kwenta kang Nanay!” Tumayo ako at nagdirediretso sa loob ng kwarto ko.

Nakakainis! Ba’t ba ko binigyan ng ganitong buhay?! Bakit sa dinami-dami ng nanay, siya pa ang meron ako?! Walang silbi pa at pipe! Galit ba sa’kin ang Diyos? Ba’t di na lang ako pinanganak ng mayaman tulad ng mga kaklase ko?!
Nag-iisa na lang ako sa buhay. Wala si Papa. Ako na lang, ako na lang mag-isa.

Halos isang buwan ko ng hindi pinapansin si Mama. Hindi ako sumasabay sa pagkain sakanya ng almusal at mukhang wala na siyang pakielam sa’kin. Sulat lang siya ng sulat sa notebook niya. Sa madaling-araw naman, gigisingin niya ako at magsi-sign language sakin. Di ko naman naiintindihan! Sarap sarap ng tulog ko, gigisingin niya ko. Kainis!

May nakilala akong lalaki, si Mark. Niligawan niya ako at sinagot ko naman. Mayaman siya at kaya niya sa’kin ibigay ang lahat ng gusto ko. Mabait din naman siya.

“Ianne, punta ko sa bahay niyo, pakilala mo ko sa Mama mo.”

“Wag na noh! Di na kailangan.”

“No, I insist. Para maging legal tayo.”

‘Tss”. yun na lang nasabi ko kahit ayaw ko naman talaga.

*Bahay

“Oh, ba’t ang aga ng uwi mo?” tanong ko kay Mama.

Hinawakan lang niya ang leeg niya at parang pinapahiwatig na may lagnat siya.

“I don’t care. Mama, ito si Mark. Boyfriend ko. Mark, si Mama.” Pagpapakilala ko sa kanila.

“Hello po, nice meeting you.”

Nagsign language siya sa’kin. Di ko naman naiintindihan.

“Ianne, sabi ng Mama mo, bata ka pa daw. Ba’t ka daw ng nag ka-boyfriend na. Ianne, mali ata ‘to e.” nag-aalalang sabi ni Mark.

“Naiintindihan mo siya?” nagtatakang tanong ko.

“Wala akong pakialam kung ayaw mo! Tara na sa kwarto ko Mark!”

Sumundod si Mama sa’min at katok ng katok at maya-maya tumigal na rin.

Natulog na lang kami ni Mark.
Pagising ko, katabi ko si Mark.

“Ianne, mali ‘to e. Nakakakonsensya.” sabi niya.

“Ha?! Bakit naman?!”

“Narinig ko yung Mama mong umiiyak kagabi.”

“Wala akong paki sa nararamdaman niya.

“Ianne, stop treating your Mom like that, mamaya magsisi ka pag nawala siya sayo.”

Natahimik na lang ako bigla sa sinabi niya. Eh ano naman kung mawala na siya? Dun na lang ako titira kina Mark para gumanda narin buhay ko.

Pero, sa kaduloduluhan ng puso ko, nakaramdam ako ng kirot.

Last week of Febuary na. Malapit na ang JS Prom. namin kaya lahat busy sa paghahanap ng isusuot nila. Buti na lang may pera ngayon si Mama at maibibili niya sa’kin ang damit na gusto ko. Sa sobrang saya ko, nakiss at nayakap ko pa siya. Excited na excited na ko!

Halos di na ko makatulog sa pag-aantay kay Mama. As usual, gabi na rin siya umuwi. Di naman siguro makakalimutan yun diba? Sa pagkainip ko sa pag-iintay sakanya umuwi, nakatulog na rin ako.

Pagkagising ko, dali-dali akong bumaba para tingnan ang binili ni Mama. Nadatnan ko si Mama na nagsusulat sa notebook niya at puro sugat sa mukha.

“Oh, anong nangyare sayo?! Bat ang dami mong sugat?! Asan yung damit ko?!”  tuloy-tuloy kong tanong sakanya.

Nginitian lang niya ako at pinakita sa’kin yung damit na nabili niya.
Isang cheap at simpleng damit lang. Siguradong pagtatawanan lang ako ng mga kaklase ko nito.

“Anong nangyare?! Bat nagkaganito damit ko?!”

Nagsi-sign language siya sakin ng sorry.

“Ano ba yan Mama! Lagi mo na lang akong pinapaasa! Nakakaasar ka na! Ayoko na! Ayoko nang maging nanay ka! Wala kang kwen—“

*slap*

Napatigil ako sa pagsasalita habng hawak hawak ang pisngi ko at umiiyak. Ngayon lang ako pinagbuhutan ng kamay ni Mama.

“I hate you!” sigaw ko sakanya at tuluyang tumakbo palabas ng bahay.
Alam kong sinundan niya ako pero di ko siya pinansin. Ayoko na! Gusto ko nang matapos lahat ng ‘to!

I really hate my Mom. She’s the worst Mom ever! Sana iba na lang nagging nanay ko! Bakit siya pa ang naging nanay ko?!

*BEEEEEEEP*

Nakita kong may sasakyan malapit sa’kin. Malapit na kong sagasaan.

Gusto ko nang mamatay.

Ipinikit ako ang mga mata ko habang hinihintay yung kotseng sagasaan ako. Pero, nakaramdam akong tulak ng kamay sa’kin palayo. Sunod na lang nakita ko yung kotseng bumangga sa poste

at si Mama na duguan at wala nang buhay.

Nanginginig akong umupo sa lamesa namin at hindi makapaniwala sa mga nangyare.

“Sorry hija, DOA ang mama mo.  Condolence.” sabi nung doctor sa ospital.

Sobrang bilis ng pangyayari. Kanina lang, nagsusulat siya sa notebook niya, ngayon, wala na siya. Pati si Mama, iniwan na ko.

At ngayon, namatay naman siya dahil sa’kin.

Tiningnan ko yung notebook ni Mama at binasa ang mga nakalagay dun. Nagulat ako nung nakita ko ang pangalan ko dun sa notebook niya.

———————————————

Dear Ianne,

Nung ipinanganka kita, ako na nag pinaka masayang nanay sa buong mundo! Nakakalungkot isipin na iniwan tayo agad ng Papa mo. Alam kong galit ka sa’kin dahil ang alam mo, ako ang may kasalanan na namatay ang Papa mo. Sorry anak. Di ko rin ginusto ang mga pangyayari. Sinisi ko din ang sarili ko nun di lang ikaw ang nasasaktan, ako rin. Sana mapatawad mo na ako anak. Pero, ipinangako ko sa Papa mo na gagawin ko ang lahat para alagaan ka, protektahan ka, at iparamdam sayo na mahal na mahal kita. Alam mo, magkamukhang –magkamukha kayo ng Papa mo. You both have the brownest eyes I’ve ever seen and the happiest smile too. Kaya naman, natutuwa ako pag nakikita kitang nguminigiti o masaya.

————————————————

Anak, mahal na mahal ka ni Mommy. Alam ko, nagtatampo ka sa’kin kasi halos din a kita nakakasama.Kailangan ko kasing magtrabaho ng maigi eh. Sa araw, nagpapart-time ako sa laundry house, sa gabi naman, janitress sa mall. Pasensya na ah? Kailangan kong gawin to para makatapos ka sa magandang eskwelahan. Pero anak, wag mo sanang kalimutan na mahal na mahal na mahal ka ni Mommy. Gabi gabi ko yan sinasabi sayo, kada-uuwi ako, yan ang sinasabi ko sayo. Ginigising pa nga kita para sabihin ko sayo kung gaano kita kamahal. Nakakalungkot lang at hindi mo ako maintindihan. Sana hindi na lang ako pipe para maintindihan mo ko.

————————————————

Anak, patawarin mo ko dahil di ko nabili yung laptop na gusto mo. Walang pera si Mommy e. Di bale, mas hahabaan ko ang oras ko sa pagtratrabaho ko para maibili ko sayo yun ah? Intayin mo yun ha? Ok nang magkasakit ako anak, basta mapasaya lang kita.

————————————————-

Anak, naibili ka na pala ng boyfriend mo ng laptop? Di bale, mas maganda naman yung mabibili niya dun sa pera niya. Itatatgo ko na lng ‘to kung sakaling may ipabili ka at maibigay ko na sayo. Di sana ako papayag na magkaboyfriend ka. Masyado ka pang bata e. Pero natutuwa ako dahil mukha kang masaya sakanya. At bukod sa’kin, may lalaking magbabantay sayo. Sa kabilang banda, naiinis ako sa sarili ko dahil simpleng salitang ‘wag mong gawin yan’ hindi ko masabi sayo dahil pipe ako. Patawad anak, patawarin mo ako. Alam ko pag may nangyari sayo, ako ang may kasalanan. Patawad.

—————————————————–

Anak, natutuwa ako dahil masaya ka ngayon. Maibibili kita ng damit na gusto mo galing sa ipon kong pera. Salamat anak at nayakap at na-kiss mo pa ako kanina. Tuwang tuwa ako nun. Mahal na mahal ka ni Mommy.

————————————————–

Anak, patawarin mo ako dahil hindi ko nabili yung damit na gusto mo. Nahold-up kasi ako. Nagmamakaawa ako at pilit na nanlaban sa mga holdaper para di nila makuha yung pera ko na pambili ng damit mo kaso sinabutan at binugbog lang nila ako. Wala silang puso. Umiyak ako sa harap nila pero kinuha parin nila ang pera ko. Patawarin mo ako, anak at eto lang ang nabili ko. Nangutang na lang ako para marentahan ang damit na ‘to. Alam ko, magtatatmpo ka sa’kin pero sana anak, patawarin mo ako. Mahal na mahal ka ni Mommy.

***

Halos di ko na mabasa yung ibang sulat dun sa notebook dahil basang-basa na sila sa luha ko.

Wala akong ibang ginawa kundi sigawan siya, awayin siya sabihan siya ng walang kwenta at hilingin na sana hindi na lang siya ang Mama ko.

Pero hindi ko alam na ganito pala ang ginagwa niyang sakripisyo para sa’kin.

Bakit ngayon ko lang nakita lahat? Pakiramdam ko, ako ang walang kwenta!

‘Ianne, stop treating your Mom like that. Mamaya, magsisi ka pag nawala siya sayo.”

Napahagolhol ako ng maalala ko ang mga sinabi ni Mark.

Tama siya, dpaat hindi hindi ko dapat trinato si Mommy ng ganun. Mahal na mahal na mahal niya ako pero puro pasakit lang ang binibigay ko sakanya. Kaso sa kabilang banda, ako pa rin ang iniintindi niya.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangan pa niyang mawala para makita ko ang lahat?

Sana pinakita ko kay Mommy ko na mahal na mahal ko rin siya at inaappreciate ko lahat ng mga ginawa niya para sa’kin.

Nagsisisi ako.

Advertisements

2 Comments

Filed under Random Thoughts

2 responses to “Letters to My Daughter by Esther

  1. rosalind o.paraon

    ok naman, although may parte ng story line na mejo malabo…. saka ko na sasabihin sa kanya pag naging guro na nya ako sa Filipino 🙂 Im sure,matured na sya at mas magagandang story pa ang magagawa nya! gudlak :0

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s